Mighty Sports PH, pasok na sa semifinals ng Dubai Int’l Basketball Championship

Pasok na sa semifinals ng Dubai International Basketball Championship ang Mighty Sports Philippines.

Ito ay matapos nilang talunin ang Iraq Oil Sports Club sa score na 108-94.

Bumida sa panalo ang UP Maroon standout player na si Juan Gomez De LiaƱo na may 21-points.


Sunod na makakalaban ng Mighty Sports ang Lebanese Basketball Team na Al Riyadi mamayang alas-dose ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments