Nag-abiso ang Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait hinggil sa amnestiya na pinatutupad ng State of Kuwait sa mga dayuhan na iligal na naninirahan doon.
Kaugnay nito, hinihimok ng MWO Kuwait ang mga Pinoy doon na ayusin ang kanilang mga dokumento.
Kabilang dito ang pag-renew o pagkuha ng Philippine passport sa Embahada ng Pilipinas.
Maaaring maharap ang overstaying foreigners sa Kuwait sa pag-aresto, deportation o penalties.
Magtatapos ang amnestiyang pinaiiral ng Kuwait Government hanggang sa June 17.
Facebook Comments