Migrant Workers Office sa Toronto, nagbabala sa mga alok na pekeng trabaho sa Canada

Nagbabala sa mga Pilipino ang Migrant Workers Office sa Toronto, Canada hinggil sa mga nag-aalok ng trabaho sa nasabing bansa.

Ayon sa MWO Toronto, dapat maging mapanuri at huwag agad maniniwala sa mga nag-aalok ng trabaho.

Dapat din kanilang iwasang magbigay ng personal na impormasyon at dokumento, gayundin ang pagbibigay ng pera.


Pinapayuhan din ang publiko na magtanong sa pinakamalapit na Migrant Workers Office (MWO) sa Canada o sa Department of Migrant Workers (DMW) kapag nasa Pilipinas.

Layon nito na masuri ang legalidad ng mga inaalok na trabaho ng mga indibidwal o ng ano mang ahensya.

Dapat din anila alamin ang mga alituntunin ng Pilipinas sa deployment ng OFWs sa abroad, gayundin ang mga dapat bayaran sa pagkuha ng visa, work permit, round-trip airfare, transportasyon mula sa airport papunta sa lugar ng trabaho at iba pa, kung ito ba ay sagutin ng kompanya o ng employer.

Nagpaalala rin ang MWO na ang ang Canada ay isang “no placement fee country” o walang hinihinging placement fee sa mga nais magtrabaho doon.

Facebook Comments