Miyembro ng Arnolfo Teves Group, arestado

Naaresto ng mga awtoridad sa Talugtug, Nueva Ecija ang isang myembro ng Arnolfo Teves-Terrorist Group na wanted sa kasong pagpatay.

Sa ulat ng Talugtug Police Station sa Kampo Krame, kinilala ang suspek na si Richard Namoco Quadra, isang poultry caretaker at residente ng Sta. Catalina, Negros Oriental.

Naaresto si Quadra kahapon ng mga operatiba ng Nueva Ecija at Negros Oriental Philippine National Police (PNP) sa bisa ng alias warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Amelia Lourdes Uy Mendoza noong July 30, 2021.


Samantala, sa ginawang search kay Quadra, nakumpiska sa kaniya ng mga awtoridad ang isang 9mm handgun na loaded ng mga bala.

Dahil dito, sasampahan din ang suspek ng paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code dahil sa umiiral na gunban.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Talugtug Police Station ang suspek para sa kanyang tamang disposisyon.

Facebook Comments