Migrante-Hong Kong, umalma sa pahayag ni Sen. Tulfo na hindi dapat tulungan ang mga Pinoy na may kasong drug trafficking sa abroad

Dismayado ang Migrante -Hong Kong sa pahayag ni Senator Raffy Tulfo na hindi dapat tulungan ng Philippine Posts ang mga Pinoy sa abroad na may kasong drug trafficking.

Ayon kay Dolores Balladares Pelaez ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE-HK), nakakadismaya na marinig ang naturang statement mula mismo sa chairman ng Senate Committee on Migrant Workers.

Iginiit ni Pelaez na hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang isang akusado, ito ay maituturing na inosente lalo na’t kadalasan sa mga nahuhuling Pinoy drug courier sa abroad ay nagamit lamang at sila ay inosente.


Tinukoy ni Pelaez ang kaso ni Mary Jane Veloso na walang kaalam-alam na iligal na droga pala ang pinabitbit sa kaniya ng kaniyang recruiter.

Facebook Comments