Miho Nishida – ipinagtanggol ang ex-boyfriend na si Tommy mula sa bashers

Manila, Philippines – Sa kabila ng break-up, ipinagtanggol pa rin ng ex-PBB housemate na si Miho Nishida ang ex-boyfriend nitong si Tommy Esguerra.

Kaugnay ito ng isyung ginamit lang daw siya ni Tommy para lumutang sa mundo ng showbiz.

Say ni Miho, kailanman ay hindi niya naisip na ginamit lang siya ni Tommy dahil naramdaman naman aniya niya na totoo ang pagmamahal nito.


Posibleng ‘tumayming’ lang din aniya sa pagtatapos ng kanilang show ang kanilang break up.

Dagdag pa ng aktres, wala siyang sama ng loob pero inaming may konting tampo kay Tommy at maging sa kanyang sarili.

DZXL558

Facebook Comments