Miles Ocampo, pinahanga ang mga fans at followers sa bikini post… sikreto sa perfect body, ibinahagi!

Pina-wow ng aktres na si Miles Ocampo ang kaniyang fans at followers matapos mag-post ng larawang nakasuot ng bikini sa isang sikat na beach.

Kuha ito sa isang resort sa Bohol matapos dumalo ang aktres sa isang bachelorette party ng kaniyang kaibigan at kapwa aktres na si Ritz Azul.

Umabot na sa 80,000 likes at hundreds comments ang natanggap ng post.


Ilang celebrity din ang bumati sa aktres tulad nina; Nikki Valdez, Rita Daniela, Antoinette Jadaone at iba pa na pawang hanga sa magandang tindig ng aktres.

Sikreto daw ni Miles sa kaniyang perfect body, workout at tamang bawas lang sa food.

Facebook Comments