MILF AT MNLF, nagkasundong i-endorso ang kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte

Nagkasundo ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na i-endorso ang kandidatura nina Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente.

Ito ay matapos naglabas ng joint at signed statement sina MNLF Chairman Muslimin Sema at MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim na sumusuporta sa kandidatura nina Robredo at Duterte.

Lumabas ito kasunod ng pag-endorso ni MNLF founding chairman Nur Misuari kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahilan para palagan ito ni Sema.


Ayon sa MNLF at MILF na siyang dalawang pinakamalaking Islamic group sa bansa, ikinonsidera nila ang mga susunod na lider ng bansa alang-alang sa Bangsamoro peace process, full implementation ng lahat ng pinirmahang kasunduan at ang interes ng mga tao sa Bangsamoro.

Facebook Comments