4 na tauhan ng kandidato, patay sa barilan sa Ilocos Sur

Nasawi ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos magkabarilan sa Magsingal, Ilocos Sur.

Sa ulat, sinabing rumesponde ang mga biktima sa Barangay Patong nang makatanggap sila ng impormasyon ng vote buying umano sa lugar.

Pero sinabi naman ng isang mayoral candidate na nagkatensiyon nang may bodyguard na nakahulog ng baril saka may dumating na armadong grupo, na nauwi kalaunan sa putukan.


Sinabi ng mga pulis na mga tauhan ng tumatakbong vice mayor na si Larry Ceria ang mga biktima, habang dalawang katao pa ang sugatan sa kanilang kampo.

Sugatan din ang dalawa mula sa kampo ng tumatakbong mayor na si Alrico Favis at asawang vice mayoral candidate na si Ina Favis.

Hindi nagbigay si Favis ng pahayag.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments