MILF – Itinuro ni Lanao del Norte Gov. Dimaporo na nasa likod ng 3 pagsabog sa lalawigan

Tahasang itinuro ng gobernador ng Lanao del Norte, na moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng tatlong pagsabog sa lalawigan noong Martes.

Ayon kay Gov. Angging Dimaporo – wala siyang ibang naiisip na gagawa nito kundi ang MILF dahil sa kagustuhan nilang makakuha ng “yes votes” para sa BOL.

Mariin naman itong itinanggi ng political arm ng MILF.


Giit ni Atty. Naguib Sinarimbo, deputy secretary general ng United Bangsamoro Justice Party – bago mag-akusa, mag-Imbestiga Muna.

samantala, ayon sa PNP, may persons of interest na sila sa mga Nangyaring pagsabog sa Lanao del Norte.

Gayunman, hindi pa nila ito maisiwalat habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments