MILF, naiinip na sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law

Manila, Philippines – Naiinip na ang Moro Islamic Liberation Front sa tatlong taong (3 years) pagkaantala ng pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law.

 

Matatandaang naudlot ang pagsasabatas ng BBL matapos ang Mamasapano incident, kung saan nasawi ang 44 na miyembro ng Special Action Force.

 

Ayon kay MILF Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar, nasabi na nila ang lahat sa kanilang naging kasunduan noong nakaraang administrasyon, kaya umaasa silang maibibigay na ang naipangakong Bangsamoro entity.

 

Sa ngayon, nanatiling Islamic revolutionary group ang MILF kaya hindi nila ibababa ang kanilang mga armas hangga’t walang BBL.

 

Babala pa nito posibleng may mga lumitaw na iba pang grupo sa Mindanao kung matatagalan ang pagsasabatas nito.


 

Facebook Comments