MILF officials, humarap kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Humarap na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Davao City.

Mismong si MILF chairman Alhaj Murad Ebrahim humarap kay Pangulong Duterte para talakayin ang nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng Gobyerno at teroristang grupong Maute sa Marawi city.

Sa isang press statement ng Government At MILF peace panel ay sinabi ni MILF chairman Ebrahim na welcome sa kanila ang sinabi ni Pangulong Duterte na pagtulong ng MILF sa mga sibilyan na apektado ng sagupaan.


Gagamitin naman ang mga mekanismo tulad ng Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities upang mabilis na makapagpaabot ng Humanitarian assistance ang MILF.

Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte sa pamunuan ng MILF na hindi para sa MILF, MNLF at sa NPA ang ipinatutupad niyang Martial Law sa Mindanao.

Bukod sa Martial law ay tinalakay din sa Pulong ang Bangsamoro Basic Law at umapela din ang Pangulo sa Bangsamork Transition Commission na madaliin ang paggawa sa BBL.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments