Lalaking nakapatay ng nobya dahil sa selos, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong

207

Manila, Philippines – Matapos ang halos 12 taon nabigyang-hustisya na ang pagkamatay ng noo’y 17-anyos na dalagita na pinatay ng mismong nobyo nito sa Taytay, Rizal.

Ito’y matapos hatulan ni Judge Ruth Santos ng Antipolo RTC branch 72 ng habambuhay na pagkakakulong ang suspek na si Frederick Sensing.


Kinilala naman ang biktima na si Catherine Cusi Alcantara.

Naganap ang krimen noon pang 2005 kung saan natagpuan sa bahay ni Sensing ang naagnas nang bangkay ng biktima na nakabalot pa sa carpet.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, namatay sa sakal si Alcantara kung saan sinasabing selos ang motibo ng krimen.
DZXL558

Facebook Comments