Bacolod CITY – Nagsagawa kahapon ng indignation rally ang ilang grupo kagaya ng Bayan-Negros sa harap ng Bacolod City hall.
Pakay ng grupo sa kanilang protesta na ipakita ang kanilang hindi pagsasang-ayon sa pag-declare ni President Rodrigo Duterte ng batas militar o Martial Law sa rehiyon ng Mindanao.
Ayon sa grupong Bayan-Negros, walang magandang maidudulot ang hakbang ng pangulo kung saan maaari lamang nitong ma-violate ang karapatang pantao ng mga mamamayan.
Samantalana, nagpahayag naman ng kalungkutan ang Obispo ng Diocese ng Bacolod na si Bishop Patricio Buzon sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Marawi City.
Ayon kay Bishop Buzon, ang Martial Law declaration ay magreresulta lamang ng takot at pagkabahala ng posibleng mangyari muli ang naganap noon sa bansa.
DZXL558