Militanteng Grupo, tutol sa planong pagpapalawig sa Martial Law

Manila, Philippines – Kasunod ng planong joint session ng Kongreso para sa nais ng Pangulo na pagpapalawig ng umiiral na Martial Law sa Mindanao, nagpahayag ngayon ng pagtutol ang mga militanteng grupo kaugnay dito.

Ayon kay Carl Anthony Olalo, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno, Southern Mindanao Region, consistent ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggamit sa Martial Law bilang dahilan kung bakit patuloy ang nangyayaring pag atake sa kanilang mga pinagta trabahuhan at tirahan.

Aniya, sa gagawing pagpapalawig ng Martial Law, lalo lamang tataas ang tesyon at lalala ang sitwasyon sa lugar.


Nananawagan ngayon ang grupo sa Pangulo na sa halip na makinig sa sinasabi ng militar at iba pang ahensya na may kinalaman sa operasyon sa Marawi, makabubuti anila na mas pakinggan ng Pangulo ang mga hinaing ng mga manggagawang nakatira sa Marawi na alisin na ang Martial Law at tigilan na ang pangbobomba sa mga lugar na kanilang pinagta trabahuhan.

Sa darating na Sabado, Hulyo 22, nakatakdang ma-expire ang bisa ng Martial Law na una nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao noong Mayo 23.

Facebook Comments