Paul Pierce, pumirma ng one day contract sa Boston Celtics

41

Sports – Inanunsiyo ngayon ng Boston Celtics na kanilang pinapirma ng one-day contract ang veteran player na si Paul Pierce.
Ito’y para matapos ang NBA career ni Pierce bilang bahago ng Boston na kaniyang naging koponan sa loob ng labing limang season sa NBA.
Naging parte din si Pierce ng championship ng Celtics noong 2008 kasama sina Kevin Garnet at Ray Allen kung saan sila tinaguriang “big three”.
Ang 39-anyos na Pierce ang siyang nanguna sa Boston sa 3-point field goals na may 1,823, free throws (6,434) at steals (1,583) habang pumapangalawa nbaman siya sa all-time leading scorer ng Celtics na may 24,021 points kasunod ni NBA Legend John Havlicek.

Facebook Comments