Militar at BIFF muling nagkasagupa!

Nakasagupa kahapon ng tropa ng 6th Infantry Division ang kanilang tinutugis na Dawlah Islamiah terror group sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa panayam ng DXMY kay 6th ID Spokesperson Army Maj. Homer Histolas naganap ang engkwentro sa Barangay Pusao, Shariff Saidona Mustapha sa Maguindanao sa pagitan ng 33rd Infantry Battalion, 12th Special Forces Company, 5th Special Forces Battalion at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters under Bungos Faction.
Ang mga isinasagawang combat operastions ng militar ay bunsod sa rin sa direktiba para mapanatili ang katiwasayan sa AOR ng Kampilan Division.
Sinabi pa ni Maj. Histolas na patuloy din naman silang nakakarekober ng mga baril, pampasabog at mga sangkap ng IED sa kanilang mga operasyon.Ang mga narerekober nilang mga armas at pampasabog ay mula sa mga lugar na naging temporaryong kampo ng kanilang mga kalaban.
Karamihan sa mga natagpuan ng mga sundalo ay gawa nang IED o maari nang gamitin sa paghahasik nila ng karahasan laban sa mga kasundaluhan at maging sa mga sibilyan dagdag pa ni Maj. Histolas.
Tinitiyak din ng opisyal sa mamamayan ng Central Mindanao na nariyan lamang ang kasundaluhan na poprotekta sa mga sibilyan at komunidad laban sa terroristic acts ng mga kalaban ng lipunan.(Daisy Mangod)
File Pic

Facebook Comments