Grab, pinabulaanan ang akusasyon na mayroon silang overcharging sa mga pasahero

Pinabulaanan ng Grab Philippines ang akusasyon ni Bayaning Atleta (PBA) Partylist Representative Jericho Nograles na nag-o-overcharge sila sa kanilang mga pasahero.

Ayon sa Grab, nakasunod ang kanilang fare matrix sa ibinigay sa kanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kasunod nito, nilinaw naman ng pamunuan ng Grab na susundin nila ang utos ng Philippine Competition Commission (PCC) na pagbibigay ng P.5 milyong pisong refund sa customers at hindi na maghahain ng motion for reconsideration.


Facebook Comments