Militar at mga miyembro ng Daulah Islamiyah-Tureife, nagkasagupa sa Maguindanao, isang terorista patay

Nagkasagupa ang mga sundalo na miyembro ng Joint Task Force Central at grupong Daulah Islamiyah-Tureife sa Maguindanao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo sa Sitio Ulangkaya, Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nang biglang pinaputukan ng grupong pinamumunuan ni Hassan Indal, alyas Katrina.

Agad aniyang gumanti ang tropa ng gobyerno na nagresulta sa palitan ng putok na tumagal ng halos limang minuto.


Sa lakas ng pwersa ng mga sundalo ay napilitang umatras at tumakas ang mga nakalabang terorista.

Narekober sa lugar ang isang M16 rifle at labi na kinilalang si alyas Adsam, anak ni Hassan Indal.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang mga tumakas na kalaban.

Facebook Comments