Militar at NPA nagkasagupa sa North Cotabato

46

Nagkaroon ng bakbakan ang militar at grupo ng New Peoples Army o NPA kasunod ng ginawang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device (IED) ng mga rebelde sa convoy ng militar sa bayan ng Magpet North Cotabato kahapon ng hapon.
Ayon pahayag ni Lt. Prolen Bonacua ,ng 19 IB PA pinasabugan ng rebeldeng NPA na kasapi ng Guerilla front 53 Far South Mindanao Region ang kanilang tropa habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Tagbac Magpet Cotabato na nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok.
Wala namang namatay at nasaktan sa panig ng mga sundalo habang di pa natukoy sa hanay ng NPA .
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga rebeldeng NPA sa nasabing bayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments