Militar bukas ang pinto para sa mga magbabalik loob na mga armado

Patuloy ang paghimok ng 33rd Infantry Battalion sa ilalim ng pamunuan ni Battalion Commander Lt.Col Elmer Boongaling sa lahat ng mga armadong grupo na magbalikloob na sa gobyerno.
Kabilang sa mga tinukoy ng opisyal sa naging panayam ng DXMY ay ang mga naligaw ng landas at sumapi sa Bangsamoro Islamic Freedom Figthers at New Peoples Army.
Iginiit pa ni Lt. Col. Boongaling na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga ito upang mapag-usapan at maaring masolusyunan ang mga hinaing nila sa buhay.
Nakahanda aniya ang pamahalaan para magbigay ng tulong pangkabuhayan para na rin makapagbagong buhay at makapagsimula ang mga ito.
Kaugnay nito , patuloy ang ginagawang koordinasyon ng 33rd IB sa MILF at mga Local Government Unit sa pagbibigay ng adbokasiya para makontra ang terorismo sa kanilang nasasakupan.
Kabilang na nasa ilalim ng 33rd IB ay ilang bayan sa Sultan Kudarat Province at Maguindanao.

Facebook Comments