Search and rescue operations sa nasunog at lumubog na diving boat sa California, itinigil na

Itinigil na ng US Coast Guard ang search and rescue operations sa nasunog at lumubog na diving boat sa Sta. Cruz Island, California.

Wala na kasing nakikitang tanda ang rescue team na may nakaligtas pa sa mga sakay nito.

Sa inisyal na ulat – nag-umpisa ang sunog sa upper deck na humarang sa fire exits sa lower deck dahilan para ma-trap ang mga sakay nito na karamihan ay natutulog.


34 na sakay ng diving boat ang hinihinalang nasawi sa insidente habang nakaligtas ang limang crew nito.

Kabilang naman sa mga nasawi ang Filipino-American na si Michael Quitasol at tatlo nitong anak na sina Evan, Nicole at Angela.

Facebook Comments