Militar, muling makikiisa sa RIMPAC exercises sa Estado Unidos

Muling makikibahagi ang Pilipinas sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises na gaganapin sa ‪June 29‬ hanggang ‪August 4‬ sa Estados Unidos.

Ang RIMPAC ang itinuturing na pinakamalaking maritime warfare exercise sa buong mundo dahil sumasali rito and 26 na mga bansa kabilang ang Pilipinas, India, Japan, Australia, Singapore, Thailand at Brunei.

Ang pagsasanay ay pangungunahan mismo ng commander ng United States Pacific Fleet at gaganapin ito sa bahagi ng Hawaiian islands at southern California.


Layunin ng maritime exercise na ito ay mapalawak pa ang kakayahan ng mga puwersang pandagat ng mga kalahok na bansa, palakasin ang ugnayan ng 26 countries at i-promote ang free and open Indo-Pacific

Batay sa ulat ng US Pacific Fleet nasa 38 surface ships, apat na submarines at 170 aircrafts ang magiging bahagi sa biennial RIMPAC exercises.

Batay naman sa ulat mula ng Philippine Navy, naghahanda na rin sila sa ipapadalang contigent sa RIMPAC 2022.

Batay sa inisyal na iskedyul, sa darating na ‪June 8,2022‬ gaganapin ang send off ceremony para sa mga partipants.

Sa ngayon di pa inanunsyo ng Philippine Navy kung ilang mga barko at air assets ang sasali sa pinakamalaking naval exercises.

Facebook Comments