Mindanao – Pinapahupa ni 1st Infantry Tabak Division Philippine Army Spokesperson Col. Jo-Ar Herrera ang pag-aalala at pag-aalinlangan ng taumbayan sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 60-days martial law sa buong isla ng Mindanao.
Sa panayam ng RMN Pagadian, sinabi na col. Herrera na tanging layunin nito na maprotektahan ang taumbayan.
“Ito ay isang security measure at very professional po ang mga sundalo natin, hindi po natin hahayaan na may harassment na mangyayari.”
Nilinaw din ni Herrera na kaya idineklara ng Pangulo ang martial law sa buong Mindanao ay upang mapigilang kumalat pa sa ibang lugar sa bansa ang kaguluhang nangyayari sa Marawi City.
DZXL558
Facebook Comments