Militar, nakapagsagawa agad ng relief operation sa Baao, Camarines Sur na matinding sinalanta ng Super Typhoon Rolly

Agad na nakaresponde kahapon ang tropa ng militar sa Baao, Camarines Sur na isa sa mga lugar sa Bicol na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, sa pagresponde ng mga sundalo mula Philippine Army 565th Engineering Construction Batallion ay agad silang namigay ng relief packs sa mga pamilyang karamihan ay nawalan ng tirahan.

Sila ay sakay ng trak bitbit ang relief packs na galing sa Camarines Sur Environment, Disaster Management and Emergency Response Office.


Samantala, batay naman sa isinagawang damaged assessment ng AFP partikular ng 903rd Infantry Brigade kahapon sa Catanduanes.

Iniulat ni Captain Zata na sampung mga bahay na karamihan ay yari sa light materials ang nasira sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Ilan aniya sa malaking pinsala ay ang multi-purpose hall at ang airport ng Virac, Catanduanes.

Facebook Comments