Militar, napatay ang 28 miyembro ng BIFF sa loob ng 9 na buwan

Napatay sa mga operasyon ng militar ang 28 mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, naitala ang bilang ng mga nasawing BIFF mula January hanggang September.

Maliban sa mga nasawing BIFF, 134 din ang sumuko sa kanila at 20 ang naaresto ng militar.


Aabot naman sa 147 na mga armas ang nakuha sa BIFF, 15 pampasabog at tatlong kampo nila ang nakubkob ng mga sundalo.

Sa panig naman ng Maute terrorist group, 24 sa kanilang miyembro ang napatay ng militar mula buwan ng Enero taong kasalukuyan, 15 ang sumuko at 5 ang nahuli.

30 na mga armas ang nakuha ng militar, 31 pampasabog at 17 mga kampo nila ang nakubkob ng militar.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gibert Gapay, magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa mga local terrorist group sa bansa sa tulong ng mga stakeholders at batay sa National Action Plan to Prevent/Counter Violent Extremism.

Facebook Comments