Militar sa Negros, nanatiling alerto kahit natapos na ang pagdaraos ng Semana Santa

23

Negros Occidental, Philippines – Nananatiling alerto ang militar sa lalawigan ng Negros Occidental kahit pa na natapos na ang Semana Santa.

Ayon kay 3rd ID Commander Major General Jon Ayeng na kasunod ito ng natanggap na report ng militar na may ongoing sa ngayon na recruitment at training ang New People’s Army o NPA lalo na sa kanilang Special Partisan Unit o SPARU sa Negros.

Samantala, wala namang confirmation ang militar sa sinasabing armadong mga kalalakihan na sumampa sa baybayin ng Brgy. Inawayan, Cauayan sakay ang isang pump boat.

Unang ng ipinaliwanag ni 303rd Brigade Commander Col. Eliezer Losanes na engine malfunction at masamang panahon ang naging dahilan kung bakit sumampa sa baybayin ng Cauayan ang naturang pumpboat na sinasakyan ng US citizen na si Frank Blaskes at ng 12 anyos na anak nito na unang pinaniwalaan na ito ay grupo ng Abu Sayyaf na pumunta sa naturang bahagi ng Negros.
Nation”

Facebook Comments