Paggunita sa Semana Santa sa Dipolog, naging mapayapa

24

Dipolog, Philippines – Naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita sa Linggo ng Semana Santa ngayong taon sa siyudad ng Dipolog at buong lalawigan ng Zamboanga Del Norte sa kabila ng ilang insidente na naitala.

Ayon sa pulisya, ang pagkakaisa ng mga pulis at publiko ay malaking tulong upang maging mapayapa ang pangkalahatang paggunita ng Semana Santa.

Naging epektibo rin ang pagpapakalat ng mga PNP operatives sa mga lugar na maraming tao gaya ng simbahan, daungan, paliparan at mga terminals na pangunahing tinutukan ng pulisya.

Sa kabila nito, patuloy umano ang PNP sa kanilang ipapatupad na seguridad upang umalalay sa mga babalik sa kanilang mga trabaho at sa mga uuwi para magbakasyon.
Nation”

Facebook Comments