Militarisasyon sa Cebu City, pinabulaanan ng JTF COVID Shield

Walang nangyayaring militarisasyon sa Cebu City.

Ito ang nilinaw ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa harap ng pangamba ng mga taga-Cebu City dahil sa presensya ng tropa ng mga sundalo at PNP-Special Action Force sa lungsod.

Sa interview ng Rmn Manila… sinabi ni Eleazar na walang dapat ipag-alala ang mga taga-Cebu City.


Aniya, mahalaga ang police visibility sa lungsod para mapigilan ang pagdami ng mga lumalabag sa quarantine protocols.

“Sinasabi ng iba na, hindi kaya parang militarization ‘yan? Pero, hindi naman e. Kasi kung tutuusin, mabilis lamang po ang reaksyon ng security sector and the presence of the police and the soldiers, this will deter the occurrence of the violation ng quarantine procedure natin. Kaya ‘wag pong mag-alala ang ating mga kababayan d’yan. Hindi po ito militarization. Nandun po kami for police visibility at para makita ng lahat na dapat tuloy-tuloy ang kooperasyon ng bawat isa,” paliwanag ni Eleazar.

Kahapon nang magsagawa ng aerial inspection sa Cebu City ang mga otoridad sa pangunguna ni Eleazar para matiyak na nasusunod ang mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mahigit 2,000 pa active cases ng COVID-19 sa lungsod mula sa mahigit 4,700 tinamaan ng sakit.

Facebook Comments