Presyo ng langis, tataas sa darating na linggo

50

Bad news na naman para sa mga motorista…

Muling magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa darating na linggo.


Sa pagtaya ng fuel company na Unioil, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

Habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa gasolina.

Mula May 5 hanggang June 27, 2020, aabot na sa P9.60 ang itinaas sa kada litro ng gasolina; P5.75 sa diesel at P8.50 sa kerosene.

Facebook Comments