MANILA – Inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na magsagawa ng military at law enforcement operations para mailigtas ang mga dayuhan at isang Pinay na dinukot sa Samal Island ng Abu Sayyaf Group.Ito ay makaraang magbanta ang bandidong grupo na pupugutan ng ulo ang mga bihag nito kung hindi ihihinto ang pina-igting na operasyon ng militar laban sa kanila sa Basilan at Sulu Provinces.Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma – ginagawa na nina PNP Chief Ricardo Marquez at Acting AFP Chief of Staff Glorioso Miranda sa pamamagitan ng binuong joint task force ang lahat ng hakbang para mailigtas ang mga bihag na hawak ng Abu Sayyaf.Bukod dito – inatasan na rin aniya ng pangulo ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa AFP at PNP para sa kaligtasan naman ng mga residente ng mga apektadong komunidad na pinagkukutaan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Military At Law Enforcement Operations Para Sa Kaligtasan Ng Ibang Hostages, Ipinag-Utos Na Ni Pangulong Noynoy Aquino
Facebook Comments