Military engineers ng NOLCOM, ipinadala na sa Cagayan

Ideneploy na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) ang kanilang military engineers sa Region 2 partikular sa Cagayan na lubhang sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Commander ng NOLCOM, ginawa nila ito batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang lahat ng assets ng AFP para mapabilis ang recovery efforts sa Cagayan Valley.

Ayon kay Burgos, mayroon nang tatlong engineer construction battalions ang ideneploy na Northern at Central Luzon.


Tiniyak ni Burgos na magtutuloy-tuloy ang kanilang ayuda sa mga sinalanta ng bagyo hangggang sa rehabilitation operations.

Una nang ideneploy nang NOLCOM ang kanilang regular at reserve force sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para tumulong sa rescue at relief operations.

Facebook Comments