Military Engineers sa Maguindanao, nagtayo ng Rural Health Unit

Natapos na ng tropa ng 549 Engineering Batallion ng Philippine Army ang konstruksyon ng Rural Health Unit sa Talayan, Maguindanao.

Ito ay makaraang maantala dahil sa COVID-19 pandemic, kawalan ng supply ng tubig sa lugar at insidente ng planong pag-atake ng riding in tandem suspect sa mga trabahador nitong September 19, 2020.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command, natapos ang construction ng 154 square meter rural health unit nitong October 6, 2020.


Ang gusali ay mayroong walong functional rooms, delivery room, labor ward, consultation o treatment room, staff office, pharmacy room, dental clinic, conference room, at laboratory room.

May tatlo rin itong comfort rooms, isang rainwater catcher tank, at dalawang Persons with Disabilities (PWD) ramps.

Makikinabang sa Rural Health Unit na ito ang 15 barangay sa Talayan, Maguinadanao na may 60,000 population.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Talayan sa 549 Engineering Batallion dahil sa tulong sa pagtatayo ng Rural Health Unit.

Facebook Comments