Maguindanao – Pitong pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi habang hindi pa matukoy ang nasugatan matapos ang inilunsad na mortar shelling at surgical operations ng tropa ng militar sa Brgy. Darampua, Sultan sa Barongis, Maguindanao, kahapon.
Kinilala ang mga nasawing BIFF terrorists sa mga alyas lamang ng mga itong Abdullah, umano ay Sub–Commander ng grupo; alyas Rasul, Bayan, Hamdan, Abubakar, Tima at Hairiya.
Sinabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), nagumpisa ang bakbakan bandang maga-alas-2 ng tanghali nitong kahapo at nagpatuloy hanggang dakong alas-10 ng gabi kagabi
Inihayag ng opisyal na nagpakawala ng mortar shelling at howitzer ang tropa ng Army’s 601st Infantry Brigade laban sa grupo ni BIFF Sub-Commander Salahuddin Hassan sa ilalim ng paksyon ni Abu Torayfe.
Ang BIFF na sangkot sa extortion at serye ng pambobomba sa Central Mindanao ay nahahati sa tatlong paksyon kung saan bukod sa mga fighters ay may mga bomb expert sa naturang grupo.
Sa ngayon, patuloy naman ang clearing operation sa lugar ng tropa ng military.