MILITARY STATUS | Senator Antonio Trillanes, balik sa military status – ayon sa AFP

Manila, Philippines – Balik sa military status si Senator Antonio Trillanes matapos na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Proclamation 50 of 2010 na nagpapawalang sala sa mga kaso ni Senator Trillianes na noon ay inaprobahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, naglabas ng certification ang J1 o Deputy Chief of Staff Personnel ng AFP na sinasabing walang silang hawak ng aplikasyon ng ni Sen Trillanes para sa amnesty.

Hiningi raw kasi ni Solicitator General Jose Calida ang rekord ng application ng amnesty ni Trillanes pero walang naibigay ang AFP dahil nawawala raw ito.


Dahil sa revocation ng Amnesty muling bubuo ang AFP Court martial ng limang miyembro para muling magsagawa ng pagdinig sa kasong kriminal at administratibo ni Sen Trillanes.

Si Trillanes ay nahaharap noon sa kasong kriminal at administratibo dahil nangyaring oakwood mutiny at manila pen incidents.

Nakahanda na sa kasalukuyan ang AFP custodial Center para sa pagkukulungan ni Senator Trillanes habang may mga military police na sa Senado para tumulong sa pagaresto kay Sen Trillanes.

Facebook Comments