Inaasahan ng United States Air Force na magkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa kooperasyon at pagsasanay kasama ang Philippine Air Force.
Sinabi ito ni U.S. Secretary of the Air Force Barbara Barrett sa kanyang pakikipagpulong kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Cardozo Luna at mga senior Philippine military officials kahapon.
Si Sec. Barrett ay nasa bansa ngayon para sa opisyal na pagbisita at nakipagpulong din kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay at Philippine Air Force Commander Lt. General Allen Paredes.
Binigyang-diin ni Secretary Barrett ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon.
Ang pagbisita ni Secretary Barrett ay isinabay sa handover ceremony kahapon sa Philippine Navy ng ScanEagle Unmanned Aerial System na binili ng Pilipinas sa pamamagitan ng Maritime Security Initiative Program ng Estados Unidos sa halagang 14.79 milyong dolyar.