Militia ng Bayan at 2 Dating NPA Supporter, Sumuko na sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko ang isang (1) Militia ng Bayan at dalawang dating supporter ng Komunistang Grupo sa mga awtoridad nitong Lunes, Hunyo 1.

Ayon sa ulat ni PBGen. Angelito Casimiro, Regional Director PRO-2, pasado 7:00 ng gabi noong Lunes, sumuko si Ka Kaki na residente ng Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela at pawang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL)/Milisya ng Bayan.

Ipinasakamay naman ni Ka Kaki ang isang (1) unit ng US Carbine at isang (1) magazine na naglalaman ng limang (5) bala.


Inihayag naman nito na ang naturang mga baril ay ipinagkatiwala lamang sa kanya ng rebeldeng grupo sa ilalim ng Regional Sentro de Grabidad Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KRCV).

Samantala, sumuko na rin sa pamahalaan ang dalawang supporter ng rebeldeng grupo na kinilalang sina alyas Roland at alyas Horson.

Si Ka Roland ay pinagkakatiwalaang kamag-anak ng dating CTL Joey Ramos alyas Jerome/Ambo/Bailon kung saan isinuko rin nito ang isang (1) unit ng M653 rifle habang si Ka Horson ay anak naman ng dating Militia ng Bayan na namatay dahil sa iniindang sakit sa kalusugan at kanyang ipinasakamay sa awtoridad ang isang (1) unit ng M16 rifle.

Nananatili naman sa ilalim ng Community Support Program ng 5th Infantry Star Division, Philippine Army ang nasabing katao na nagbalik na sa gobyerno.

Facebook Comments