Umarangkada ang Milk Feeding Program galing sa gatas mismo ng mga kalabaw sa bayan ng Asingan.
Nasa kabuuang isang libo at tatlong pakete ng gatas ng kalabaw ang naipamahagi sa mga bata mula sa Day Care Centers ng bayan.
Kabilang naman sa adhikain ng lokal na Pamahalaan ng Asingan ang health program para sa mga mag-aaral sa nasabing bayan katuwang ang Department of Social Welfare and Development sa pagsusulong nito.
Ayon sa aral, ang gatas mula sa kalabaw ay mas mayaman sa vitamin A, protina at calcium kumpara sa gatas ng baka.
Magtatagal naman ang nasabing milk feeding program matapos ang animnaput araw na naglalayong makatulong mga kulang sa timbang o malnourished na mga bata sa bayan ng Asingan. |ifmnews
Facebook Comments