GOOD NEWS: ISANG LOLO SA PANGASINAN KABILANG NA SA CENTENARIAN, KILALANIN.

Mahalaga sa buhay natin ang ating mga lolo’t lola dahil ang iba sa atin ay lumaking sila na ang kasama. Kahit tumanda man ay patuloy pa rin ang kanilang kabaitan. Isa si lolo Pedro Cabatbat na na napabilang na sa Centenarian dahil kaarawan niya nito lamang nakaraang January 24, 2023 na tubong Barangay Pasibe West sa Urbiztondo, Pangasinan.
Kaakibat ng pagmamahal ng LGU Urbiztondo kay lolo ay pinagkalooban siya ng cash incentives at Centenarian certificate bilang pagbibigay halaga sa tagumpay na kanilang narating na panibagong taon sa buhay.
Masaya naman si lolo Pedro sa kanyang natanggap at nagpasalamat siya. Sa kabila ng kondisyon, nakita pa rin sa kaniyang mukha ang kasiyahan at parangal na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan. |ifmnews

Facebook Comments