Millennial Mayor gustong maging Role Model Mayor sa Maguindanao

Malaki ang pangarap ng bagong halal na alkalde ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao para sa kanyang mga kababayan at mismong bayan.

Bukod sa maipagpapatuloy ang mga nasimulang inisyatiba ng kanyang ina na si Multi Awardee out- going DAS Mayor at Maguindanao Governor Elect Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ay maibigay ang basic services sa kanyang mga kababayan.

Kabilang sa hangad ni DAS Mayor Elect Datu Pax Ali Mangudadatu ay makapagpatayo ng Primary Hospital sa kanyang bayan, na naglalayung matulungan di lamang ang kanyang mga kababayan maging ang mga kalapit bayan.


Hangad rin ni Mayor Datu Pax Ali na makapagpatayo ng mga Investment Center sa sentro ng DAS. Sa pamamagitan nito, hindi na aniya mamomoblema ang mga taga DAS lalo na ang mga magsasaka para sa kanilang mga produkto , dahil mismong ang LGU na ang bibili ng kanilang mga produkto at ang LGU naman ang bahalang magbenta nito sa naging pahayag nito sa DXMY.

Bukod sa Primary Hospital, Investment Centers, pangarap rin ni Mayor Datu Pax Ali na makapagpatayo ng isang Unibersidad sa bayan , hangad aniya nitong maging modelong LGU ng lalawigan ang kanyang bayan giit pa ng maitututring na pinakabatang alkalde ngayong panahon sa Maguindanao.

Si Mayor Datu Pax Ali, ay panganay na anak nina Sultan Kudarat Governor Elect Suharto Mangudadatu at Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki Mangudadatu. Apo ni out-going Governor Pax Mangudadatu at former OMA Executive Director Ali Sangki.

Ito ang kauna unahang pagsabak sa buhay politika ni Mayor Pax Ali sa edad na 21.

Facebook Comments