Milyonaryong negosyante, magbibigay ng tig-isang milyong piso sa bawat pamilya ng mga sundalo at pulis na nasawi sa giyera sa Marawi City

Manila, Philippines – Makakatanggap ng tig-isang milyong piso ang bawat pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis.

Ang halagang ito ay magmumula sa isang milyonaryong negosyante na ayaw magpakilala.

Ayon AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo ngayong araw itinakda ng negosyanteng ito ang pagbibigay ng tig-1 milyong cash sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa Marawi City.


Una rito nakapag-donate na ang negosyanteng ito ng 98 million pesos sa bank account na binuksan ng AFP para sa donasyon sa mga naiwang pamilya ng mga sundalong nasawi at tulong din sa mga sugatang sundalo.

Maliban dito nangako rin daw ang negosyanteng ito na kung madagdagan pa ang mga sundalo at pulis na masasawi sa giyera sa Marawi bibigyan nya pa rin ng isang milyon piso ang kada pamilyang maiiwan ng mga ito.

Ang negosyanteng ito ayon kay Col. Arevalo ay dumalo sa Go Negosyo meeting na ipinatawag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang kasama ang mayayaman negosyante sa bansa.

Sa ngayon batay sa huling tala ng AFP umabot na sa 1 daan at 22 sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa pakikipaglaban sa Maute terrorist group sa Marawi City.

Facebook Comments