Manila, Philippines – Nagbayad ang Transport Network Company na Uber Philippines ng milyu-milyung pisong halaga ng kakulangan ng buwis.
Ito ay para hindi masuspinde o matigil ang kanilang operasyon.
Ayon sa Bueau of Internal Revenue (BIR), binayaran ng Uber ang kanilang P41.15 million para sa kanilang kakulangan sa Value Added Tax noong Hulyo hanggang Disyembre 2016.
Dapat patawan ng 12% VAT ang kinikita ng Uber dahil sa pilipinas ang kanilang sale of service.
Umabot sa P413.85 milyon ang sales ng uber noong Hulyo hanggang Disyembre 2016.
Facebook Comments