Kahit malakas ang ulan, aabot sa 1.7 milyong mga anti-government protesters ang nakiisa sa rally sa Hong Kong nitong linggo.
Ito na ang ika-11 linggong demonstrasyon sa Hong Kong sa itinuturing na financial hub ng Asia.
Matatandaang bukod sa pagbibitiw ni Hong Kong leader Carrie Lam, layon ng mga pagkilos ang tuluyang pagbawi sa extradition bill at pagpapanumbalik ng political reform.
Samantala, asahan na umano ang mas marami pang mass protest sa Hong Kong sa mga susunod na araw.
Facebook Comments