Mga nanalo sa Mutya ng Pilipinas 2019, kilalanin!

709

Kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas 2019 Asia Pacific International si Klyza Castro ng Davao City sa katatapos lang na coronation night nitong linggo.

Wagi naman si April Short ng Zamboanga City ng Mutya Pilipinas World Top Model habang si Tyra Rae Goldman ng Nevada ay kinoronahan Miss Tourism International.


Si Louise Janica Arroyo naman ng California ang nakakuha ng titulong Mutya Pilipinas Overseas Communities.

Ginanap ang coronation night sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Samantala, runners-up naman sina Cyrille Payumo ng Pampanga (1st runner-up) at Maxinne Nicole Rangel ng Batangas.

Facebook Comments

From Advertisers