Ang naturang pasilidad ay nagkakahalaga ng Php 20,204,069.00.
Maliban sa cold storage facility, nakatanggap din ang FAFOGGA ng 92 piraso ng pallets at 110 plastic crates mula sa DA-RFO2.
Binanggit naman ni Dr. Roberto C Busania, DA-Regional Technical Director for Operations and Extension, na sa 2023 ay asahang ipapatayo ang kahalintulad na pasilidad upang may karagdagang imbakan ng produksyon ng sibuyas, bawang at luya mula sa kabuuang 465 ektaryang taniman ng FAFOGGA.
Sinabi naman ni Mr. Enrique Dela Cruz, kinatawan ng DA Central Office at National Program Directorate ng HVCDP, na ang pasilidad ay nagpapatunay ng hangarin ng pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas.
Samantala, sa word of challenge ni Ms. Carol Albay, ang HVCDP Focal Person, commitment, teamwork, at respeto ang pundasyon upang maging matatag.
Hinamon nito ang mga miyembro na patuloy na magkaisa at palakasin pa ang grupo dahil ang mga programa ngayon ng pamahalaan ay nakatutok sa mga farmers cooperatives and associations.
Sa pagtatapos ng programa, binigyang diin ni Engr. Monico Castro, Jr., ang hepe ng Field Operations Division, ang patuloy na pagtutok sa value chain mula sa produksyon hanggat makarating sa konsyumer.
Naganap din ang signing of Memorandum of Agreement kung saan nakasaad dito ang 25 taon na contract to operate.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay sina NV Experiment Station Manager Arsenio Apostol,Jr, at staff, Pastor Allen Glen Layco, mga opisyal ng NV-PLGU, LGU Aritao, at mga miyembro at opisyal ng FAFOGGA.