Nagpaliwanag si Chief Justice Diosdado Peralata sa mga natatanggap na benepisyo o perks ng mga nagreretirong Chief Justice at mahistrado ng Supreme Court.
Ayon kay CJ Peralta , dahil lumpsum na ang pension ng isang retiradong mahistrado ng SC, wala na itong matatanggap na monthly pension sa loob ng limang taon.
Pero kung malalagpasan ng isang retiradong mahistrado ang limang taon matapos siyang magretiro at buhay pa rin. Magpapatuloy na ang pagtanggap niya ng buwanang pensyon.
Batay sa batas na ipinasa ng Kongreso noong 2010 at sa nilalaman ng 2017 En Banc Resolution ng SC, aabot sa P8 million hanggang P30million ang takehome o lumpsum cash gratuity ng isang nagretirong mahistrado ng SC.
Una nang naungkat sa media kamakailan ang laki ng benepisyong natatanggap ng mga nagreretirong mahistrado ng SC kasunod na rin ng naging pagreretiro nina Chief Justice Lucas Bersamin at ng iba pang mahistrado ng Korte Suprema.