Milyong pisong cash na nakuha sa Marawi City – may umako na

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may umako sa higit 50 milyong pisong halaga ng pera na nasamsam sa kuta ng Maute Group sa Marawi City.

Sa interview ng RMN kay AFP PIO Chief, Col. Edgard Arevalo – inaangkin ang nasabing pera ng isang Marian Kauzbary Batara Dimaukor, may-ari ng isang construction firm sa Marawi City.

Pero patuloy aniya ang pagberipika kung sa kanya talaga ang pera.


Sinabi ni Arevalo – inaalam pa rin kung paano natangay ng mga miyembro ng Maute ang napakalaking halaga ng pera.

Dagdag pa ni opisyal – ang higit 20 milyong pisong halaga ng mga tseke ay pay-to-cash.

Dahil dito, humingi na ng tulong AFP sa Department of Finance (DOF) gayundin sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mabilis matukoy kung saan nagmula ang mga pera.

Facebook Comments