Milyun-milyong fans, nakaabang na sa pangatlong paghaharap ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa NBA finals

Manila, Philippines – Nakaabang na ang milyun-milyong fans sa pangatlong paghaharap ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa NBA finals ngayong alas-nuebe ng umaga oras sa Pilipinas.

Maraming mga fans at basketball analyst ang nagsasabing isang ‘classic’ games ang paghaharap ng dalawang koponan.

Tinawag naman ni NBA hall of famer Julius Erving na “history” ang sagupaan ng Cavs at Warriors.


Ilan sa mga aabangan sa trilogy ay pang-pitong beses na magkakasunod na paglalaro sa finals ni Lebron James.

Malaking hamon naman ngayon sa Warriors ang kawalan sa game one ng kanilang head coach na si Steve Kerr na pansamantalang pinalitan ni Mike Brown na dating coach ng Cavs.
DZXL558

Facebook Comments