Seguridad sa Malacañang, hinigpitan

Manila, Philippines – Mahigpit na rin ang seguridad na ipinatutupad sa bisinidad ng Palasyo ng MalacaƱang matapos ang insidente sa Resorts World Manila.

Sa lahat ng gate bago makapasok sa compound ng MalacaƱang at isa-isang pinahihinto ang mga papasok na sasakyan at hinahanapan ng car pass.

Dahil dito ay hindi na nakapasok ang ilang sasakyan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng no car pass no entry.


Ayon sa isang miyembro ng Presidential security group na hindi na nagpabanggit ng pangalan, iniakyat sa red alert ang seguridad sa MalacaƱang kaya ang mga kalihim lamang ang pinahihintulutang pumarada sa loob ng MalacaƱang.
Inilabas din naman ang dalawang rmored personnel carrier ng palasyo at kasalukuyang naka puwesto sa magkabilang gate ng JP Laurel Street.

DZXL558

Facebook Comments