Agusan Del Sur, Philippines – Sinalakay ng mga miyembro ng New People’s Army ang minahan na pagmamay-ari ng pamilyang Lademora noong Sabado, Mayo 13 sa Sitio Sinug-Ang, Bayugan 3, Rosario, Agusan Del Sur.
Sa sulat-pahayag na inilabas ng Guerilla Front Committee 14, North Eastern Mindanao Region (NEMR) ng NPA sinabi ng tagapagsalita ng mga ito na si Ka Ariel Montero na dalawamput isang baril ang kanilang natangay sa minahan ng Lademora na kinabibilangan ng dalawang m16, isang ak47, isang bar, isang m14, isang garand, apat na carbine, tatlong m79 launcher, tatlong shotgun, apat na caliber .45 pistol, isang .38 revolver, mga bala at iba pang gamit.
Maliban sa mga baril, tinangay din ng NPA ang negosyanteng si Carso Cesar Lademora, may-ari ng minahan, at ang caretaker na si Leonardo Cacao.
Ayon kay Psupt. Martin Gamba, tagapagsalita ng PRO-13 sa ngayon patuloy pa ang hot pursuit operation ng PNP at militar para mailigtas ang biktima.
DZXL558